Gabi-gabing walang patid sa pagte-trend ang GMA Telebabad series na Ang Dalawang Mrs. Real. Kitang-kita talaga ang mainit na pagtangkilik ng viewers at netizens sa programa.
Pero alam n'yo ba na hindi lang netizens ang nakatutok gabi-gabi dito? Pati local celebrities and kilalang personalities, nahuhumaling na rin sa naturang palabas! Narito ang ilan sa kanilang tweets tungkol sa programang pinag-uusapan ng bayan!
Labis naman natutuwa ang stars ng Ang Dalawang Mrs. Real sa natatamo nilang suporta mula sa viewers at fans. Taos-puso ring nagpapasalamat ang cast dahil sa natatanggap nilang iba't ibang papuri mula sa netizens.
"I can't even put into words kung ano ang nararamdaman ko. Pero sobrang saya, " ayon sa isang interview ni Diamond Star Maricel Soriano.
Kung sinubaybayan n'yo ang sampal ni Millet sa asawa niyang si Anthony noong Lunes, dapat n'yo ring abangan ang sampal naman ni Millet sa pangalawang Mrs. Real na si Shiela ngayong gabi!
0 comments:
Post a Comment