• Latest News

    Wednesday, July 2, 2014

    Kris Aquino, nag-sorry kay Vilma Santos dahil sa ipinost na card sa Instagram

    Kris Aquino, nag-sorry kay Vilma Santos dahil sa ipinost na card sa Instagram




    Buong pagpapakumbabang inamin ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kaniyang pagkakamali sa spelling at grammar sa isang card na ipinadala niya sa kaibigang si Kris Aquino.

    Sa ulat ni Nelos Canlas sa GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing umani ng kritisismo sa ilang netizens ang naturang kamalian dahil naka-post ang naturang card sa Instagram account Kris.

    Ang kontrobersiyal na card na may sweet notes ni Vilma kay Kris ay kasama sa isang kahon ng ensaymada na ipinadala ng actress-turned-politician sa television host-actress.

    May mga nakapansin na may mali sa grammar at spelling sa note ni Vilma na pinagmulan ng iba't ibang komento at reaksiyon sa netizens.


    Pero sa halip na mapikon, magaan at buong pagpapakumbaba niyang tinanggap ang bashing.

    Sa ipinadala niyang text message kay Kris, pabirong sinabi ng Star For All Season na dahil sa post ng aktres ay naba-bash siya ngayon.

    Nagpasalamat din ang gobernadora sa kanyang mga basher at sinabing marami pa raw siyang dapat matutunan.

    Ang naturang text message ni Vilma ay naka-post din sa Instagram account ni Kris.

    Humingi naman ng paumanhin si Kris sa gobernadora at sinabing hindi niya ito sinadya.

    Paliwanag ni Kris, nais lang niyang ipakita sa kanilang fans ang kabaitan ng batikang aktres.

    Kung may mga nangba-bash, marami rin naman ang nagtanggol kay Vilma sa social media. -- FRJ, GMA News

    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: Kris Aquino, nag-sorry kay Vilma Santos dahil sa ipinost na card sa Instagram Rating: 5 Reviewed By: Unknown
    Scroll to Top