• Latest News

    Tuesday, July 15, 2014

    maging I M Ready sa Bagyong #GlendaPH


    Update on Typhoon #GlendaPH (July 16, 12:00 AM) 

    Lalo pang lumakas ang typhoon Glenda habang tinutumbok ang Southern Quezon.

    Nakataas na ngayon ang storm signal no. 3 sa Metro Manila, gayundin sa Catanduanes, Albay, Burias at Ticao Island, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Marinduque, Quezon province (kabilang ang Polillo at Alabat Islands), Batangas, Laguna, Rizal, Cavite, Bulacan, Bataan, Pampanga, Tarlac at Zambales.

    Signal no. 2 naman sa Nueva Ecija, Southern Aurora, Pangasinan, hilagang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro (kabilang ang Lubang Island), Romblon at Masbate sa Luzon. Sa Visayas, signal no. 2 rin sa Northern Samar. 

    Signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, at nalalabing bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro. Sa Visayas, signal no. 1 din sa Biliran, Northern Cebu (kabilang ang Cebu City), Camotes at Bantayan Island, hilagang bahagi ng Leyte, Eastern Samar at Samar.

    Huling namataan ng PAGASA ang mata ng typhoon Glenda 65 kilometers timog silangan ng Alabat, Quezon. Nasa 150 kilometers per hour ang lakas ng hangin at may bugsong umaabot sa 185 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-kanlurang hilagang-kanluran sa 19 kilometers per hour.

    Matapos dumaan sa Bicol region, dadaanan din ng bagyo ang Quezon province at iba pang bahagi ng Southern Luzon. Umaga bukas daraan ang bagyo sa Metro Manila bago tumuloy sa ilang lugar sa Central Luzon.

    Magpapatuloy ang ulan ngayon hanggang mamaya sa Luzon, kabilang ang Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Visayas. Katamtaman hanggang sa matinding ulan ang dala ng bagyong Glenda kaya maging IMReady sa baha o landslides.

    SIGNAL NO TO YOUR AREA















    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: maging I M Ready sa Bagyong #GlendaPH Rating: 5 Reviewed By: Unknown
    Scroll to Top